Chapter Text
“Anong sayo, iho?"
Sa wakas. Pinansin na rin sya ng tindera. Nasa ukay ukay kasi si Kyungsoo para ipapalit ng size ang kakabili lang nyang T-shirt noong isang araw para sa anak na si Kyunghee. Sana’y hindi nalang muna siya pumunta sa bayan ngayong Friday... ayan tuloy. Andaming tao, andaming nakikisiksikan. Alas dos na! Kanina pa sya ritong 1PM pero OA ang influx ng mga tao.
Marahil ay marami na ring namimili para sa darating na back to school ng mga chikiting. Kahit ang anak ni Kyungsoo ay excited na excited nang pumasok sa eskwelahan dahil namiss na rin ang mga kaibigan nya. Buong bakasyon kasi ay magkasama lang silang mag ama sa tenement na tinutuluyan nila. Bukod kasi sa ayaw mapagod ni Kyungsoo ang prinsesa nya dahil sa sakit nito, wala rin naman silang budget para magliwaliw; kung di pa nga nag aya ang mga kaibigan nya (kay Kyunghee: titonong) na sila Jongdae at Baekhyun na magswimming at overnight sa isang private villa (na sila rin namang nagbayad) ay hindi makakaranas si Kyunghee ng outing. Huling hirit sa tag-init, ika nga nila.
Hindi naman sa pinagkakaitan nya ang anak nya. Dahil kasi sakto lang ang kinikita ni Kyungsoo sa pagiging online ESL tutor ay hindi nya maibigay ang biglaang luho kay Kyunghee. Sapat lang para sa basic needs nila at lalo na kailangan paghandaan ni Kyungsoo ang tuition ng anak nya. Minsan nga ay nagkukulang pa.
Pero may mga oras na napapagbigyan nito ang anak nya, katulad nalang ng Tshirt na pinapapalit nya ngayon. Gagamitin kasi ni Kyunghee ito para sa PE nila dahil yung gamit nito last school year eh halos tatlong taon na ata sa kanila. Lumalaki na rin si Kyunghee kaya kahit may kapayatan ang bata ay halatang maiksi at luma na ito para sa kanya. Isa pa, public school lang naman nag aaral ang bata kaya hindi masyadong strikto sa PE uniform.
"Iho, ano, bibili ka ba o hindi?"
Napakurap si Kyungsoo. "Ah - pasensya na po. Ipapapalit ko lang sana itong Tshirt, 'nay. 'Di kasi kasya nung bata."
"Naku, eh last size na yan," masungit na sagot ng tindera. Kinausap nya ang kostumer na nasa tabi ni Kyungsoo pero hinarang ng binata ang sarili nya rito.
"Baka naman po may iba kayong brand, 'nay, basta puting Tshirt? Blue Corner? Soen? Ah, mas mahal nga pala yun," kamot ni Kyungsoo sa ulo. "Kahit wala nang tatak, basta maaliwalas po sana."
Umirap ang tindera at napilitang lumabas mula sa mala-counter nitong pwesto sabay kumuha ng bangko at pumanhik dito. Marahil ay nasa mga nagpatong-patong na stocks nito ang ibibigay na kapalit ng tindera sa kanya.
Nakatingala si Kyungsoo sa matanda at tahimik na nagdasal na sana mayroon talagang maibibigay itong bagong stock--HUH?
Parang nagslow motion ang lahat nang nakita nyang umuga ang bangko kung saan nakapanhik ang matanda. Kahit naman kanina pa sya sinusungitan nito ay hindi naman ata tama na hayaan nalang ni Kyungsoo na mahulog ito sa kinatatayuan. Kaya dali dali syang umalalay dito pero...
"Ay pucha!"
Mukhang huli na ang lahat dahil tuluyang na-out of balance ang matanda. At dahil aambang sasaluhin ni Kyungsoo ito ay nadaganan na rin sya at napaupo!
Napapikit nalang si Kyungsoo at hihintayin sanang maglanding ang pwet nya sa maruming lupa ng ukayan na ito. Hindi ito sementado kaya kapag tag-ulan ay maputik, kapag tag-araw katulad ngayon, ay malubak at maalikabok. Pero parang hindi naman ganun ang naramdaman ni Kyungsoo...?
Parang medyo... matigas? Na patag naman pero may parte na medyo patusok?
At parang... mabango?
"Okay ka lang?"
Nanlaki ang mata nya nang may marinig syang bumulong sa likod nya - sa mismong tenga nya!
Ramdam nya ang paghinga ng binata sa may batok nya - mainit ito pero dahan dahan. Saglit na moment lang iyon pero parang nangilabot ang buong pagkatao ni Kyungsoo kasi pu!cha! Naglanding pala sya sa pagitan ng hita ng lalaking ito! Ramdam din nya ang likod nyang nakasandal dito.
Napalingon sya sa tindera, nagmamaangang concerned kahit paharap ito nahulog. So safe naman pala sya dahil sa mga paninda nyang Tshirt at sando ito naglanding. Unlike si Kyungsoo...
Tumikhim sya at dali daling tumayo, hindi pinansin ang tanong ng lalaki sa likod nya. Medyo naconscious din sya dahil hindi pa pala ito tumatayo mula sa sahig, kaya ang buong likuran ni Kyungsoo ang tiyak na makikita nito.
Or so, ang buong pwet nya.
"'Nay, okay lang ho kayo?"
"Hay naku! Oh, ayan! Pwede na ba yan?!" Pagalit na sabi ng matandang tindera at nagtaas ito ng boses. Marami tuloy ang napatingin lalo sa kanila kaya napalitan ang yamot ni Kyungsoo ng pagkahiya.
"O-opo, salamat po." ang nasabi nalang nya kahit hindi nya ito tinignan ng maayos. Ramdam kasi ni Kyungsoo na may dalawang pares ng mata ang nakatitig sa kanya--sa likod nya--ngayon. Kaya dali-dali itong lumayas sa ukayan at hindi na lumingon pa.
Tsk! Dinig mula sa tindera. "Umalis nang hindi chineck, eh large yang binigay ko! Small yung hinahanap mo! Hoy!"
Sa isang banda, natatawang tumayo ang binatang nadaganan ni Kyungsoo. "Sino ho yun, Aling Linda? Bago ho rito?"
"Aba'y ewan ko, ngayon ko lang din napansin 'yan." ani ng tindera habang inaayos ang paninda nya.
Napakagat ng labi ang morenong binata habang pinapanood nito ang lalaki papalayo. Sa bawat hakbang ay medyo tumatalbog ang pang upo nito at dahil na rin sa suot nyang medyo hapit na jogger pants ay kita nya ang hulma ng binti ng lalaki - na sakto, type na type ni Jongin.
Tirik na tirik ang araw at masyado pang maaga pero mayroon atang iba pang titirik bukod dito.
--
“PUAHAHAAHAHAHA.”
Napahagikgik si Chanyeol habang inaayos ang mga sapatos na ididisplay sa shop ni Sehun. “Seryoso, chong?! As in inupuan ka?”
“Oo nga. 'Di ko kasalanan na halos madaganan sya ni Aling Linda pero nagkakasala ako kahit ang aga pa dahil sa...” Napataas ang gilid ng labi ni Jongin habang inaalala yung nangyari kanina sa ukayan.
"Easy, dude. 'Di mo nga kilala sino yung tinutukoy mo, eh. Ang alam mo lang, may matambok sya na pwet." Medyo dry na sabi naman ni Sehun kahit ang bastos ng lumalabas sa bibig nito. Busy sya na nagsscroll sa Facebook page ng kanyang business, ang Oohshoes Footwear, at sumasagot sa inquiries ng mga gustong magfranchise.
Actually, silang tatlong magkakaibigan ang nagmamanage ng business na ito. Si Jongin sa logistics side, si Chanyeol sa marketing side, at si Sehun sa operations at overall. Taliwas sa paniniwala ng buong bayan ng San Ildefonso na sila ay patapon at puro bulakbol, meron namang ibubuga si Sehun, Jongin, at Chanyeol. Pamoso kasi ang tatlo lagi, lalo na nung high school at college, sa kung ano anong eskandalo - basag ulo, hindi maganda ang standing sa school, kung kani-kanino nalilink, at kung ano ano pa.
Si Sehun, may aura na good boy, pero rebellious lalo sa mga magulang nya (na nga pala, may ari ng halos kalahati ng lupain sa San Ildefonso, kaya burgis yan), sunog na rin ang atay ata nyan dahil hindi papa awat sa toma! Si Chanyeol naman, lowkey pagdating sa mga nakakarelasyon nya. Mas inuuna nya kasi ang pagbabanda pero sya ang pinakamatalino (weh) at tuso (eto real) sa kanila. Si Jongin... well, ay si Jongin. Sa kanilang tatlo, sya ang pinakapasimuno at careless. Siya ang pinakapangit na reputasyon pagdating sa mga babae - at lalaki.
Kaya laking gulat nalang ng lahat nang sinimulan ni Sehun ang business na ito - na syang co-owned ni Chanyeol at Jongin dahil nag invest din sila rito - at lumago nang lumago sa loob ng isang taon. Sa ngayon ay kahit hanggang Mindanao ay abot ang pagffranchise ng Oohshoes Footwear.
At ayun... successful na silang tatlo. May kanya-kanya nang naipundar kahit papano. Gustong ipagmayabang ni Jongin ito sa tatay nyang wala na sa mundong ibabaw (RIP Papa Kim) na lagi nyang kakampi noon, at sa nanay at ate nyang nalayo ang loob sa kanya mula nang nawala ang tatay nya.
Free of responsibilities and drama. Bachelor na bachelor. Kaya kahit anong gawin ni Jongin ay walang aawat sa kanya.
Kaya 'di rin sya papaawat hanggat 'di nahahanap si cute matambok guy. Shit. Naalala nanaman nya. Hindi nalang naikwento ni Jongin pero after nyang magpunta sa ukayan ay umuwi muna ito saglit para... medyo bastos, pasensya na, para iraos ang namumuong libog sa kanya.
Jongin still remembers the plump ass of that guy earlier, kaya sa bawat pag paghagod nya sa kanyang tite habang nasa shower ay iniimagine nitong naglalabas masok sa pagitan ng pwet noong lalaki.
Napalunok nalang sya nang marinig si Sehun na tinatawag ang kanyang pangalan. "Jongin!"
"Ha?"
"Naknampucha kitang kita mula rito pagkalibog mo, huy!" ani Chanyeol. "Anyway, g ba? Sa bistro ni kuya Raiden. May ipapacheck daw sakin na bagong part time na singer eh. Since di na raw papasok yung kumakanta kapag set ko, may nakuha raw syang bago. Soundcheck daw bago sumabak."
Inilikas ni Jongin ang mga natitirang sapatos mula sa bagong stocks na kararating lang kanina para may ipangdidisplay. Naubusan na rin kasi sila dahil inilaan ni Sehun ang ang ibang stocks sa bago nyang franchisee.
Aayaw pa ba si Jongin eh sa bistro lang naman ni kuya Raiden sya nakakakuha ng weekly hookups nya?
--
"Ngeeeee. Papa, anlaki!"
Ay jusko! Kacute naman ng anak ko! Sabi ni Kyungsoo sa sarili habang pinapanood nya si Kyunghee na isukat ang pinapalit nyang Tshirt kanina. Medyo nagiguilty sya dahil pinipilit nya sa bata ang large-sized Tshirt. Katangahan naman kasi, bakit ba um-oo nalang sya dun sa tindera at bigla nalang lumayas paalis?! AH! Kasi dahil doon sa manyak na lalaki sa likod nya!
Hanggang ngayon ay nanginginig nalang sya - sa diri? o sa fact na swabe ang pagbulong nung lalaki? - pag naaalala nya ang pangyayari na yun. Siguro naman, sa laki ng San Ildefonso ay hindi sila magkikita, ano?!
"Anak, sensya na ha? Pero okay na sigurong malaki sya para magagamit mo pa next year." Natatawang sabi ni Kyungsoo at saka hinalikan ang pisngi habang pinipisil-pisil - sobrang cute! - ng pinakamamahal nyang prinsesa.
"Ihhhhh, nitatawanan ako nila Jimboy nyan!" Kahit buyoyoy ng kaunti magsalita ay nakakapagform na ng sentence si Kyunghee. Si Jimboy ay yung laging kalaro ni Kyunghee at minsan na nitong tinawag na frenemy. "Ayaw! Ayaw!"
Paano naman kasi, halos one fourth nalang ng braso ni Kyunghee ang lumilitaw sa habang ng sleeves nito. Para na rin itong bestida para sa bata dahil hanggang tuhod ba naman! Jusmiyo. Hindi rin kasi makatiis si Kyungsoo at tama naman ang anak nya, baka asarin sya ng mga kaklase nya kasi halata namang masyadong malaki pa ito para kay Kyunghee.
Nagbugtong hininga nalang sya. "Sige, sige. Bukas, itatry ko ulit na ipapalit sa ukayan. Okay ba?"
"Okay na okay po, papa! Aylabyu!" Kiniss ni Kyunghee ang pisngi ng papa nya. May konting laway pero iyon ang pinakagusto ni Kyungsoo. Habang bata pa at malambing pa ang anak nya, chinecherish nya ang mga moments na ito.
Hindi rin naging madali para sa kanya na palakihin mag isa si Kyunghee. Nabuntis sya sa murang edad at iniwan sya ng gagong ex nya dahil hindi sila tanggap ng pamilya nito. Isa pa ay noon pa man, mag isa na talaga si Kyungsoo dahil ulila ito. Nakatira sya sa orphanage hanggang 18 years old at pagkatapos non, katulad ng ibang orphan, ay kinailangan nya nang umalis at buhayin ang sarili nya.
Dahil sapat naman ang grado ni Kyungsoo ay nakapasok naman sya sa isang kilalang kolehiyo sa Maynila. Pero naudlot lahat yon dahil ngayon nadale na ang lahat, dumating si Kyunghee (na kahit hindi planado ay malaking blessing para kay Kyungsoo), at hanggang 2nd year college lang ang natapos nya.
Kaya hirap din sya sa paghahanap ng trabaho. Walang gusto ng undergrad single father. Lalo na't bata pa si Kyunghee, kailangan ng guidance, lalo't... may sakit ito sa puso.
Oh 'di ba, talo ang Mexican telenovelas sa drama ng buhay ni Kyungsoo. Awa ng Diyos ay kahit papano, tinulungan sya ni Jongdae at Baekhyun. Na kahit pati sila dati ay walang mga trabaho, nag iipon sila pantulong sa gatas ni Kyunghee, sa basic needs nila. Kaya malaki ang utang na loob ni Kyungsoo sa mga college bestfriends nya.
Pero ayaw nya rin naman maging pabigat sa kanila. Kaya etong ESL tutoring job nya ay swak talaga kay Kyungsoo. Gamit ang pinaglumaang laptop ni Jongdae mula pa nung college sila ay sinikap ni Kyungsoo na itaguyod si Kyunghee. Kaya ngayon, kahit papano ay nakapagrenta sila sa isang tenement simula nang lumipat sila sa San Ildefonso, malapit sa kanyang mga kaibigan.
Pero hindi parin naman sapat yun. Kaya ngayon, sobrang tuwa ni Kyungsoo kasi nakakuha sya ng isa pang part time job tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo ng gabi. Makakadagdag ito sa panggastusin nila.
ting! ting ting!
Sakto at nagmessage na nga sa Messenger si Baekhyun sa kanya para sunduin si Kyunghee. Dahil walang kasama ang bata pag magpapart time sa gabi si Kyungsoo ay inihahabilin nya muna panandalian kay Baekhyun ito, minsan kay Jongdae, at minsan sa kapitbahay nya rito sa tenement na si Nanay Fely. Rotation nalang depende sinong pwede dahil nakakahiya naman kung lagi nalang kay Baek, di ba.
Dali dali silang bumaba mula sa unit nila hanggang sa 1st floor ng tenement para salubungin si Baekhyun.
“Papa, uwi mo ko ng mojacko ah?” Request ng anak niya. Tinapay na may filling ang mojacko at paborito ng bata ito.
“Nako, kaya lumolobo ang pisngi mo, hilig mo sa ganyan.” Biro ni Baekhyun na ngayo'y hawak na nya sa bisig nito. Nagpumilit pa ang bata kaya um-oo nalang siya.
"Kiss kay Papa!" Nimwestra ni Kyungsoo ang pisngi nya na syang pinaulanan ni Kyunghee ng kiss. "Bye, 'nak. Sunduin kita mamaya, ha?"
"Opo, 'Pa! Labyu po, hehehe."
Hindi na rin nagtagal ito dahil sinundo lang naman nya si Kyunghee at kailangan na rin umalis ni Kyungsoo para sa part time job nya sa gabi.
Saktong may dumaan na padyak at pinara ni Kyungsoo. "Manong, sa Raiden's po tayo."
--
"Gago tol, walang parking." sabi ni Chanyeol na ngayo'y kararating lang. Nauna na kasi si Jongin para mag pre-game ng ilang bote, at ilang minuto bago dumating si Chanyeol ay nandun na rin si Sehun.
Halos mapuno ang silid sa dami ng tao. RIght, it's Friday today. Maraming nagchi-chill din. Thankfully, may pwesto sa bandang gilid ng stage kasi pag kaibigan ni kuya Raiden, may free pass at pwesto ka matic sa loob. Doon na sila tumambay, kasama ang ilang kakilala, habang si Chanyeol ay umalis para pumunta ng backstage. Tutugtog kasi sya ngayong gabi kasabay nung soundcheck na sinasabi nila para sa bagong singer.
“—may nagmessage sakin, San Juan raw sila...” iyon lang ang narinig sa kaibigan niya bago inilagok ang natitirang beer. Pinag uusapan ni Sehun at ni Bohyun (kaibigan nito na di masyadong close ni Jongin) ang business nito dahil sa pangungumusta ng lalaki.
Hindi naman na masyadong pinakealaman ni Jongin ang usapan. He's just there to chill. Sa haba naman ng araw nya - at sa nangyari kanina - he just want to let some steam off. Pero napapaisip parin si Jongin kung makikita nya pa ba somewhere dito sa San Ildefonso ang binatang iyon.
Sa tangkad ba naman ni Chanyeol ay hindi mahihirapan ang lahat na makita ang malaking bulas na ito san man sya magpunta. Kaya laking gulat ni Jongin nang halos tumakbo ito papunta sa kanya na may nakakalokong ngiti.
"Chong! Nameet ko na yung bagong singer."
Tumaas ang kilay ni Jongin. "Oh tapos?"
"Feel ko type mo. Cute, maliit." Kinuha ni tangkad ang kakaserve lang na bote ng Smirnoff sa kanya at nilagok ang kalahati. "Shit, parang type ko rin!"
"Oh? Edi good luck."
"Gago, wag kang eepal pag dumamoves ako ha."
Jongin shrugged. Eh sa okupado na yung isip nya ngayon, wala na syang pake sinong kahookup ni Chanyeol ngayong gabi.
Bumalik si Chanyeol sa backstage kasi parang may aayusin pa ata dahil next na ang set nila. Di naman din naghahanap ng kung ano si Jongin ngayon--depende siguro kung may potential hookup din--kaya chill lang sya sa gedli.
“Hi, everyone.”
Bubuksan na sana niya ang pangatlong bote nang marinig niya ang nagsalita mula sa stage.
Huh. HUH.
Umalingawngaw sa speaker ang unang strum ng bass guitar ni Chanyeol. Intro palang ay pamilyar na sa lahat: acoustic rendition ng isang sikat na kanta ni Charlie Puth. Pero hindi yun ang ikinagulat ni Jongin kundi - fuck - yung bagong singer na tinutukoy ni Chanyeol ay... yung cute na lalaki kanina?
“Sing along with me if you know this song,” inayos nung lalaki sa stage ang salamin sa mata. “and I hope you’ll like it.”
Tignan mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo.
Pinasadahan ni Jongin ang kabuoan ng lalaki sa harap nya. Nakaturtle neck ito na all black, khaki pants na - putangina - kailangan ba talaga hapit na hapit ito sa binti nya? Nagmistula tuloy na wala syang saplot pailalim. Tsaka lang ito naka ragged converse. Wala namang espesyal sa suot nya pero bakit ganon?
Mas lalo ata syang nabaliw nang marinig nya itong kumanta. What the fuck.
--
"So... Kyungsoo, tama ba?"
Tumango naman ito at tinanggap ang inalok na bote ng bago nyang katrabaho. Sa pagkakatanda nya, ang pangalan nito ay Chanyeol. Hindi mawari ni Kyungsoo kung sadyang smiling face lang talaga ito palagi o nagpapacute o masyado lang talaga syang hospitable. Either way, para sa kanya, medyo creepy, ha.
Creepy na weird way, yung ngiti kasi nito ay literal rectangle ang bibig < :D > at idagdag pa na medyo malaki rin ang mata nya. At one point, naisip ni Kyungsoo, para syang si Buzz Lightyear! Pero bukod doon ay mukha namang harmless ang binata. Agaw atensyon lang sya kasi ang tangkad pa nito, makisig, at malakas (at malalim) ang boses. Tipo ni Baekhyun, isip nito ulit. Madaldal din, kasi pagkatapos ng set nila kanina ay agad na syang nagkwento na kaibigan nya pala ang may ari ng Raiden's - si kuya Raiden. Makes sense.
Niguide ng matangkad na lalaki si Kyungsoo sa table nila. Tumambad doon ang iba pa siguro nitong kaibigan at pinakilala naman ito agad ni Chanyeol sa kanya. Hindi na rin nya masyadong maalala ang mga pangalan nito dahil hindi naman siguro sila kailangan maging close. Nandito lang naman si Kyungsoo para magtrabaho. Medyo naging uneasy lang sya kasi sa peripheral vision nya ay kahit hindi nya mawari sino ito ay ramdam nyang mainam syang tinitignan nito, parang kaunti nalang mabubutas na sya sa sobrang titig ng lalaki sa kanya.
"...Tapos, eto si Jongin." Mwestra ng lalaki sa kanya.
Laking gulat ni Kyungsoo nang magtama ang mata nila. PUCHA!
"Hi." Ngisi ng binata sa kanya.
Iniwas ni Kyungsoo ang tingin mula rito at pakiramdam nya, para syang mamamawis katulad ng pagporma ng butil-butil ng tubig mula sa malamig nitong beer na ngayon ay nagiging maligamgam na. Okay, isip nito. Wala namang ginawang masama si Kyungsoo para sya pa ang maintimidate sa taong ito, pero ang awkward, ha!
Naalala nya bigla ang pagbulong ng binata sa tenga nya kanina. Pucha.
"Upo ka rito." Tinapik ni--Jongin ba?--ang bakanteng upuan sa tabi nito. Tumingin si Kyungsoo kay Chanyeol para sana sumaklolo at baka naman may iba pa syang mauupuan pero bigla kasi syang binati ni kuya Raiden kaya ito naging okupado.
Awkward.
Pero hindi naman uurungan ni Kyungsoo ang lalaking 'to kaya linakasan nya nalang ang loob nya at pinaunlakan ang binata. Dahil masikip ang table booth nila ay kailangan muna nyang dumaan sa mismong harap ni Jongin--dangerously too close to his liking--ay iniisip nya na paano ito dadaan nang hindi sya madadapa.
Eh parang di naman posible yun dahil pisteng yawa, natalisod sya sa paanan ng table nila. Sino ba kasi nag imbento ng spider-type na stand ng mga mesa?!
"Oops," dinig nyang sabi nito. "Dahan dahan."
Okay na sana eh, hindi nalang papansinin ni Kyungsoo ang lalaki, pero kasi naman! Bakit kailangan nitong ilagay ang kamay nya sa gitna ng baywang at pang upo ni Kyungsoo para "maalalayan?!" Isang maling galaw ay pwede na itong mapunta sa pwet nya!
"Okay na." Irap ni Kyungsoo at mabilis na tinanggal ang kamay nito. Nakatanggap pa sya ng mahinang tawa mula kay Jongin dahil sa inasal.
Anong tinatawa-tawa mo dyan? !
Pag upo ni Kyungsoo ay napansin nyang sobrang lapit ng upuan nya kay Jongin. Nakadantay pa ang kaliwang braso nito sa backrest ng upuan kaya mukha tuloy itong nakaakbay sa kanya. Over his dead body, wala naman balak dumikit si Kyungsoo sa binatang to kaya kalahati lang ng upuan ang okupado nya at nakausog pa ito paharap. Mukha tuloy syang nasa jeep kapag rush hour; kahit sampuan lang ito ay pinipilit ng konduktor na magsakay ng iba pang tao...
Naudlot ang internal monologue ni Kyungsoo na marinig nyang tumikhim si Jongin sa gilid nya.
"Kasya ba nya yung Tshirt?"
Napakurap si Kyungsoo sa narinig. "I'm sorry - alin?"
"Yung batang tinutukoy mo. Kasya ba nya yung Tshirt?" Pacharming effect pa na tanong ni Jongin. Alam nitong kaunting ngisngis lang nya, lilitaw na ang pamatay na dimple nitong kinahuhumalingan ng mga dalaga at binata sa San Ildefonso. "Sabi ni Aling Linda, large yung nabigay nya sayo kahit small ang hanap mo."
Ah. Yung nangyari kanina sa ukayan.
"H-hindi. Pero okay lang. Pwede na yun." Ismid ni Kyungsoo sabay inom ng beer na ngayon ay maligamgam na.
"Mabait naman si Aling Linda eh, masungit lang talaga sya sa hindi nya kilala. Kung gusto mo, akin na yung Tshirt, ako magpapalit?"
Nilingon ni Kyungsoo ang makulit na binata sa tabi nya. "No thanks."
Mukha namang nagets ng lalaki na not interested for landi or any other conversation si Kyungsoo dahil saglit na nanahimik si Jongin. After all, nandito sya para magtrabaho. First day lang nya kaya hindi nya nahindian si Chanyeol pero kung tutuosin, kanina pa dapat sya sumibat para makuha na si Kyunghee kay Baekhyun.
Napatingin sya sa relo nya. Hindi pa naman hatinggabi pero oras na rin kasi. Hinanap ng mata nya si Chanyeol para sana makapagpaalam na since mukha rin namang wala na syang partisipasyon doon. Kaso, busy parin ito dahil nadagdagan ang mga kumausap sa kanya.
"Uwi ka na?" Dinig nya ulit na nagsalita si Jongin sa gilid. Lumapit ang katawan nya ng bahagya mula kay Kyungsoo dahil inilapag nya ang bote ng beer na ngayon ay walang laman dahil nailagok na nya ito kani-kanina lang. "Hatid kita?"
Napakunot ng noo si Kyungsoo. Hanggang ngayon ba ay hindi parin makatunog itong lalaking to? Alam na alam nya ang galawan ng mga lalaking katulad ni Jongin. Hindi naman sya manhid o mangmang sa ganito; kung tutuosin ay noong nag aaral pa sya sa Maynila, lagi syang isinasama nila Baekhyun at Jongdae sa mga bar. Maraming nagtatangka na kumausap kay Kyungsoo--katulad ng para-paraan ni Jongin--at naghahanap ng ka-one night stand o hookup. Depende sa mood, pumapatol naman sya paminsan minsan. Doon nga rin nya nakilala ang ex nya, ang tatay ni Kyunghee.
Hindi naman sa nakaone night stand nya ito. Actually, ang gagong yun pa ang tumulong kay Kyungsoo noong minsa'y muntik na syang hatakin ng isang deranged at lasing na frat guy palabas ng bar. And the rest is history - nagkamabutihan, naging magkasintahan, nabuntis, iniwan.
Kaya hindi maaaring magpadalos dalos si Kyungsoo. Hindi sya pwedeng umentertain ng mga gago, katulad nalang ng ex nya at si Jongin.
"Kyungsoo! Naku sorry naiwan kita bigla," Salamat naman at natuon ang pansin ni Chanyeol sa kanya. "Ubos mo na yung beer mo? Try mo 'to."
May pag aalinlangang nyang tinanggap ang isang basong may whiskey na may orange slice. "Ah--uuwi na kasi..."
"Kakausapin ka rin daw ni kuya Raiden. May inaasikaso lang sya saglit," Natigil si Kyungsoo. Marahil ay tungkol ito sa part time job. Sabi kasi nito, kung maganda ang magiging performance nya sa first night ay may tiyansang gabi-gabi sya magperform at hindi lang tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. "Hintayin mo nalang."
Wala nang nagawa si Kyungsoo at tumango, hinayaang umalis si Chanyeol dahil magdi-DJ naman pala ito ngayon. Mukhang hindi parin talaga sya makakauwi. Nilabas nya ang telepono para itext si Baekhyun at sabihing patulugin muna si Kyunghee dahil malelate ito ng pag uwi.
[Okay, Kyungieee! Ingat ha? Text me pag nasa tenement ka na. (kiss emoji)], ang reply ng kaibigan nya.
"Boyfriend mo?"
Jusko pong mahabaging Mama Mary! Napakibot sya sa kinauupuan nang maramdaman nyang may mainit na hangin sa may tenga nya. Sobrang lapit ng ugok na ito! Kaya hindi nakapagtataka kung nabasa nya ang text messages ni Baekhyun sa kanya.
Dali-dali nyang ipinasok sa bulsa nya ang cellphone at napalayo ng konti. Kung hindi lang talaga sya kaibigan ng boss nya at ng katrabaho nya ay nasuntok nya na ito!
Umakto si Kyungsoo na parang walang nangyari. "Hindi, kaibigan ko."
Nag-hum ito in response. "Pero may gusto sya sayo?"
Pucha? Hindi sila talo ni Baekhyun. "Wala."
Sana naman lumayo na tong lalaking to dahil wala talaga syang mapapala kay Kyungsoo ngayong gabi! Ang dry na nga nya sumagot, ano pang di magets ni Jongin?
Saglit nyang narinig ang binata na mahinang tumawa kaya napalingon si Kyungsoo sa kanya. Pag kita nito ay ipinadaosdos ng lalaki ang kamay nya sa kanyang buhok, bahagyang inaayos. At dahil dito, sa unang pagkakataon, nakita nang maigi ni Kyungsoo ang hulma ng pagkatao ni Jongin. Side view palang, hindi naman ipagkakaila na may itsura pala talaga ito. Moreno, malapad, gwapo, mabango--
Ay juskong mahabagin.
Napaiwas nalang si Kyungsoo ng tingin.
"Hi, Jonginie!" Isang masiring boses ang narinig nilang paparating. Galing ito sa babaeng naka denim highwaist jeans, V-cut top na halatang sinuot para maiparada ang malaking hinaharap nito. Hindi na rin nagpaligoy ligoy ang babae at iginapang nito ang kamay sa may balikat ni Jongin tsaka hinimas himas. "Free ka tonight?"
Kahit naman nagtama ang tingin ng babae at ni Kyungsoo ay hindi nito tinanong kung sino sya. As if naman may pake si Kyungsoo kung makipagkilala ito o hindi.
Malandi sa malandi, sinagot naman ni Jongin at paunlak ng babae. "Hmm. May time naman ako para sayo."
Ay pota, malandi nga.
Hinatak na ng babae si Jongin paalis doon. Hay salamat. Malaya na syang makakapaghintay kay kuya Raiden.
NIlagok nalang ni Kyungsoo ang bagong inumin na binigay ni Chanyeol kanina. Speaking of, mukhang nagsisimula na ang set nito sa pagdi-DJ. Wala rin namang alam si Kyungsoo doon pero halatang marunong ito dahil sa ganda ng tunog na ipinoproduce ng speaker.
Biglang may isang bagong baso ng whiskey ang lumapag sa harap ni Kyungsoo. "Refill?"
Ah. Ito ba yung Sehun? "Thank you."
"Great set earlier, by the way," anito. "Pero ngayon lang kita nakita sa San Ildefonso. Taga saan ka? San Juan?"
Ininom naman ni Kyungsoo ang bigay ng lalaki sa kanya. Dahil kaunti lang pero serving ay halos maubos nya na ito. "Dati akong taga San Juan. Pero lumipat ako rito kasi nandito mga kaibigan ko."
Tumango naman ito. "May kilala ka bang Jongdae sa San Juan?"
Napakurap si Kyungsoo... Paanong...? "Huh? Ah... oo, best friend ko sya. Bakit mo natanong?"
Umiling si Sehun at nilaro ang kaliwang tenga. Napansin ni Kyungsoo ang unti-unti itong ngumiti--ngumisi--nang bahagya. "Ex ko yun."
Jongdae Kim! Hanggang San Ildefonso dala-dala mo ang pagkerengkeng mo!
Natawa nalang si Kyungsoo. "Ah, ganun ba. Sige, papakumusta kita."
"Uy wag," Napalitan ng ngisi ng malumanay na ngiti nalang, parang nahihiya? Ngayon lang nagkaroon ng tyansa na tignan nya ang binata nang maayos. Hindi maiwasang maisip ni Kyungsoo na gets na kita, Jongdae, kasi ganito talaga tipo nya. May resting bitch face pero baby face parin. "Galit parin yun sakin."
Napatigil saglit si Kyungsoo at inalala lahat ng kwento ni Jongdae tungkol sa mga naging karelasyon nya. Parang lahat naman ata ay galit ito sa mga naging ex nya kaya hindi mapinpoint ni Kyungsoo kung alin doon.
"Besides, magkikita naman kami ulit."
"Ha?"
"Wala. Basta, wag mo nalang banggitin na kilala mo 'ko." Habilin ni Sehun na hindi nalang itinanong ni Kyungsoo kung bakit pa. Eh gusot nila yan ni Jongdae, sino ba naman sya para makealam, di ba? Pero sana pala'y isinama nya ang mga kaibigan nya (at nang magkabukingan na si Sehun at Jongdae na it's a small world!). Iniisip palang ni Kyungsoo ang itsura ng best friend nya pag nakita nito ang ex nya, natatawa na sya.
Mabuti nalang talaga at nalibang sya sa sumunod pang ikinwento ni Sehun sa kanya. Inaamin ni Kyungsoo na sa kanilang magkakaibigan, si Sehun ang may sense kausap (at may sense of humor din). Naaliw din sya sa tugtog mula sa DJ booth na sya namang minamanduhan ni Chanyeol. Hindi nya na rin namalayan ang oras pati na rin kung nakailan itong baso ng same whiskey na kanina pa binibigay ni Sehun sa kanya. 'Di na rin maalala ni Kyungsoo kung kailan sya last na nag enjoy ulit nang ganito--sya bilang indibidwal. Hindi bilang tatay ng anak nya, pansamantalang walang responsibilidad sa buhay.
Mukhang may mapapala naman pala sya sa San Ildefonso.
--
"Ano, tapos ka na?"
"Ang sikip naman, eh."
Pinunasan ni Jongin ang tumulong... pawis nya.
Ngayon kasi ay hinatak sya ni Mabel, kasintahan ni kuya Raiden, sa banyo.
Oh.. hindi para gumawa ng kabalastugan! He's not that kind of asshole, ano. Sadyang nagpapakumpuni lang ng sirang door lock sa Men's CR ang babae dahil hindi parin ito maayos ayos ng jowa nya.
"Ay, iwanan na nga muna kita riyan. Basta ilapag mo yung tools sa may storage kung san mo sya kinuha." Bilin nito at umalis na.
Jongin's like their resident handyman guy. Ewan, meron atang talento si Jongin sa pagkumpuni ng mga bagay bagay. May ipapaayos ka na lock ng pinto o sira ang tubo ng tubig? Si Jongin na yan. Related ba yan sa kuryente, sa pag ayos ng sasakyan, ng motor, ng bahay? Tawagin mo lang sya, solve na yan. Actually, inhinyero talaga ang lalaki. Nakatapos ito ng kursong Civil Engineering pero never naman nagamit kasi wala lang. Pagkagraduate kasi sa college ay doon nasimulan ni Sehun ang business nito, at since tumulong si Jongin sa pagpapalago ay doon na rin nya nafocus ang sarili nya at hindi na naghanap ng iba pang trabaho.
Eh sa kumikita naman sila nang sapat.
Ilang ikot pa ay mukha namang maayos na ang nastuck-up na door lock pa nya kinukumpuni. Kaya iniligpit nya na ang mga gamit para makabalik na sa mesa nila. Kailangan nya na bumalik, baka kasi may ibang makabakod kay Kyungsoo.
Napailing sya nang maalala gaano ito kasungit kanina. Mas lalo pang na-turn on si Jongin kasi cute, matambok, masungit, mailap.
"May tao po ba rito?" Nagulat si Jongin nang biglang bumukas ang pinto ng CR at pumasok si Kyungsoo. Mamula-mula na ang pisngi nito, halatang nakainom na rin. Ilang minuto ba nawala si Jongin at andami naman ata nitong ininom?
"S-sorry!" Isasara na sana ulit ng binata ang pinto pero hinatak sya ni Jongin.
"Pasok," aniya. "Bantayan kita."
"Bantayan? Saan?" Mapungay na ang mga mata ng binata at pakshit. Ngumunguso pa ito habang nagsasalita, medyo na bubulol na rin. Hindi man nito napansin pero napasinghap si Jongin sa nakikita.
"May sira kasi yung lock ng pinto, hindi pa naaayos," pagsisinungaling nito. Pinasadahan nya ng tingin si Kyungsoo na ngayo'y ang mga mabibilog na mata nito'y nakapirmi na kay Jongin. Putangina. "Isa pa, baka mapano ka. Lasing ka na, oh."
Hindi nalang umimik ang lalaki at tumapat sya sa isang urinal para sana umihi. Jongin crossed his arms and watched the smaller male struggle to open the buttons of his pants. "Shit."
"Kaya mo?" Jongin would be lying if he says he blurted that out of concern.
"D-di naman ako bata." Pero parang bata, isip ni Jongin, dahil sa inaasal nya ngayon. Inayos ni Kyungsoo ang pantalon nya dahilan ng kaunting paghapit pa nito sa may bewang, defining that glorious plump ass that Jongin really wants to have. Kasabay ng paghigpit ng paghinga nya dahil sa nakikita ay ang pagsikip din ng pantalon nya ngayon.
Hindi alam ni Jongin anong pumasok sa isip nya at nilapitan mula sa likod ang binata. He snaked his arms around Kyungsoo's waist, his fingers reaching for the button. "H-hoy."
"Tulungan na kita." Kung may isang napansin si Jongin tungkol kay Kyungsoo ay ang reaksyon nito kapag nagsasalita sya malapit sa tenga ng binata. It's so obvious how the smaller male shivers at the sensation it brings. Jongin knows, dahil kanina nya pa pinagmamasdan ang lalaki.
Dahil sa lapit ng mga katawan nila ngayon ay hindi maiwasang magdikit ang nagbabadyang miyembro ni Jongin sa pang upo ng lalaki. Ramdam din ni Kyungsoo ito pero hindi naman nilayo ang sarili kay Jongin, na bagay nyang ikinagulat.
Huh.
Naramdaman ni Jongin ang daliri ng lalaki na pumipigil sa pagbukas ng butones niya. On the other hand, those hips don't lie; as Kyungsoo grinded against Jongin's member. Kaya to confirm his assumptions, Jongin planted a kiss behind his earlobe. Using his free hand, ibinaba nya ng bahagya ang turtle neck na suot ng lalaki and it revealed Kyungsoo's milky-white neck. Pinaulanan din ni Jongin iyon ng mga mababaw na halik. "Hmm."
Nang marinig ni Jongin iyon ay parang may kung anong sumiklab sa loob nya. Fuck. "Pwede ba?"
Kyungsoo's drunk. Ayaw naman nya na madala lang ito ng alak kaya pumapayag sya sa mga ginagawa ni Jongin sa kanya.
Tumango ito kasabay ng paggabay nya sa kamay ni Jongin na kanina'y nag aambang buksan ang butones nito sana. But instead of the buttons, Kyungsoo focus his hand on his mound, letting the taller male cup it.
Putangina.
Jongin grinded himself even more against Kyungsoo. Parang nahuhubog ang hulma ng kanya sa pwetan nito. His other hand that once lingered on the smaller's shoulder went its way inside the black clothing of Kyungsoo, at mala-expert nitong nilaro-laro ang utong ng lalaki. It gained a louder moan from him.
"Fuck," Gustong gusto ni Jongin pag naririnig nya ang ungol ng lalaki. "Ang ganda ng boses mo, 'no?"
Totoo naman. They're like melodies to his ears. Magaling itong kumanta kanina, swabe ang boses, pero ngayon, medyo high pitched. Jongin likes the duality.
"Hnng--shit, wag m-mo markahan." Sambit nalang ni Kyungsoo as he felt Jongin nipped a part of his neck from behind.
Natawa naman ito. So nasa wisyo parin talaga si Kyungsoo dahil aware sya sa ginagawa nito sa kanya.
Jongin wasted no time and turned the smaller around para magkaharap na sila. Bahagya nya itong itinulak sa pader para makulong si Kyungsoo sa bisig nya lalo, tsaka na ipinatong ang dalawang braso nito sa balikat ni Jongin para pansuporta dahil nanginginig na rin ang tuhod nya. Jongin propped his right leg against Kyungsoo kaya mas naglayo pa ang hita ng binata. This gave him access to grind his clothed member against Jongin's legs, that the taller gladly and victoriously accepted.
Naglanding naman ang isang kamay nitong si Jongin sa pwet ni Kyungsoo. Eto yung gigil na gigil syang itarget kanina pa. Hinimas himas nya ito at pinapalo, kaya dinig sa buong 1.1 square meter ng CR na ito ang tunog ng sampal ng palad ni Jongin. Bagay na lalong nagpalibog pa kay Kyungsoo, not gonna lie.
Busy rin si Jongin na papakin ang harap na bahagi ng leeg ni Kyungsoo. Dedma na sa turtle neck, putangina. Anyway, yung isang kamay naman nya, halos isakal na sa lalaki para lang maibaba ang kapirasong tela na pumapagitan sa labi ni Jongin at leeg ni Kyungsoo.
May choking kink kaya sya?
Hinigpitan pa ni Jongin ang hawak sa leeg nito. "T-tangina. Higpitan mo."
Shit. Di aakalaing maririnig ni Jongin yun mula sa kanya. It was just a simple test to confirm his theory pero lalo pa naexcite ang tite niya. He knows--sooner or later--that this choking kink will come in handy. Gustong gusto pa naman ni Jongin na sinusuksok ang kanya sa mga masisikip na lugar.
Lalo pa ata syang mababaliw nang maramdaman nya ang kamay ni Kyungsoo na pumasok sa short niya. Thank you, Uniqlo, for making momol-friendly apparel!
Hinagod hagod ng binata ang kamay nya sa miyembro ni Jongin, na syang nagpa-twitch dito. Narinig nya ang mahinang tawa ni Kyungsoo. "Excited yan."
"For you, baby." Jongin stopped in between kisses.
Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya nang nilaro ni Kyungsoo ang hinlalaki nito sa ulo ng tite ni Jongin. Right where the slit is where Kyungsoo placed circular motions on it while the rest of the smaller's hand just enveloped his shaft. "Alam mo, kanina ko pa nahahalata na nagpapapansin ka sakin."
As if hindi obvious na obvious yung galawan ni Jongin.
Mababaliw nalang ata sya at pinatong ang ulo nya sa balikat ni Kyungsoo, surrendering to his touch. "E-effective ba?"
"Uh-huh." Kyungsoo hummed in response at saka ito lumuhod sa harap ni Jongin, bagay na genuinely ikinagulat nito.
Fuuuuuck!
Hinatak ni Kyungsoo ang pulang shorts pababa, na syang dahilan para tumambad sa harap nya ang matigas at halatang galit na sumasaludong miyembro ng lalaki. Namumula pa nga ito sa ulo at kaya pala madulas ito ay dahil sa precum na lumalabas na mula kay Jongin.
Dalawang kamay agad ang ginamit ni Kyungsoo para mahawakan ng buo si Jongin kasi putangina, bakit ang taba at haba naman? He placed the tip of Jongin's dick just right his mouth's entrance.
Halos mabaliw ata si Jongin sa nakikita nya. The smaller's plump, soft lips is grazing against hard member. Fuck, fuck! Sinimulang dilaan ni Kyungsoo ang folds nito at bahagyang sinisipsip. Para syang may lollipop sa bibig. Chupa chups. Chupa talaga, literal. Diretso lang din ang tingin kay Jongin gamit ng mapungay at inosenteng mata. Kyungsoo started pumping it using his two hands at hindi iyon nakakatulong sa pagpipigil ni Jongin.
"Shit, babe. Maaga akong mauubos sayo."
Mula sa tip ng ulo ay mas nilaliman pa ni Kyungsoo ang pagsubo dito. Ramdam na ramdam ni Jongin ang dila nito against sa tite nya, salat na salat lahat, pati ang init ng bibig ni Kyungsoo kaya lalo pa atang hindi makandamayaw ang alaga nya. His hand landed on Kyungsoo's head, grasping his locks, and started guiding the smaller's bobbing head. Salamat nalang talaga at maingay sa labas dahil nagtatalo ang pag ungol ni Jongin at ang gurgling sounds mula kay Kyungsoo.
He felt Kyungsoo's other hand on his balls at gently massaged them habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa kanya, taas, baba, taas, baba, all while Kyungsoo's sucking him--jusko! Pwede na atang mamatay si Jongin sa sarap ng nararamdaman nya ngayon!
Pero hindi ata sya makuntento at lalo nyang tinulak ang ulo ni Kyungsoo pababa, na syang medyo kinagulat ng isa, pero hindi ito nagpatinag at inadjust ang sarili para makahinga kahit papano. He stayed on the same position; Jongin can feel the other's nose grazing on the upper regions of his dick. Buong buo ngayong naisubo ni Kyungsoo ang pagkalalaki nya.
And then it started again. Kyungsoo willingly bobbed his head, this time on a slightly faster pace, and Jongin swears he's gonna come close. He bucks his hips violently against Kyungsoo's throat, kaya ang isa, nagpapakawala ng tunog. Lalo pa atang dumami ang sensasyong naidulot non dahil sa vibration dala ng tunog. "D-don't stop."
At parang alila lang si Kyungsoo na sumunod sa sinasambahan nya ngayon. Lalo pang naging mas mabilis ang paggalaw ng ulo nya, halos mangiyak ngiyak na rin dahil ang hirap magkeep up sa pace ni Jongin. Pero tagumpay nalang talaga ng nagpakawala ng mura ang lalaki at doon na naramdaman ni Kyungsoo ang mainit na pagsirit likido sa bibig nya.
Dahilan para tumayo sya at idura ito sa lababo.
Sa isang banda ay halos tumirik ang mata ni Jongin sa nangyari. Both of his hands were resting against the wall where Kyungsoo once rested too, suporta kumbaga dahil grabe ang ngantog ng binti nya sa ginawa ni Kyungsoo. Pinanood nya ito na maghugas ng bibig at kamay habang walang imik.
Ilang saglit pa ay nag ayos na rin si Jongin ng suot. Nang mahimasmasan na sila ay tsaka humarap si Kyungsoo sa kanya. "Masaya ka na?"
Bagay na ikinagulat ni Jongin. Kung kanina ay ang ekspresyon nito, seductive and submissive, ngayon ay parang walang buhay ang mga mata nito, nakatitig lang sa kanya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Napagbigyan na kita sa gusto mo," Kyungsoo deadpanned. "Yun lang naman habol mo sakin, di ba?"
Parang binuhusan nang malamig na tubig si Jongin at naestatwa sa kinatatayuan. Hindi ganun ang instensyon--
"Pwede mo na 'kong lubayan, okay? I want to keep my job here. At panigurado hindi mo ako tatantanan kada magkita tayo habang nagtatrabaho ako rito. Isa pa, baka ikaw pa ang maging dulot ng pagtanggal nila sakin dito. Kaya pinagbigyan na kita," tinapon ni Kyungsoo sa basurahan ang tissue na ipinampunas nya sa kamay. "Tutal, kilala ko ang mga katulad mo. Hindi titigil hangga't hindi nila naiisahan ang target nila."
Saka ito biglang umalis ng banyo.
What the fuck did just happen?
