AO3 News

Post Header

Published:
2026-04-12 10:53:20 UTC
Original:
AO3 is Exiting Open Beta!
Tags:

Ulat sa AO3

Nasasabik kaming ipahayag na lumalabas na kami sa open beta! Napakalayo na namin mula nang inihayag at inilunsad ang pagbubukas ng beta ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) noong 2009.

Sa paglunsad nito, mayroon lamang 347 na mga AO3 account at 6,598 na mga hangang-katha. Bagaman kami'y mabilis na lumago, noong una ay mas limitado kami sa aming maaaring gawin.

Alam mo ba na ang mga imbitasyon sa AO3 ay dating ipinadala nang manu-mano ng mga indibidwal na boluntaryo ng AO3? Noong aming unang mabilis na paglago, kami'y nagbabahagi lamang ng humigit-kumulang 1,200 na imbitasyon bawat araw, at sa kalaunan ay bumaba sa 50 bawat araw. Ngayon, nagpapadala kami ng humigit-kumulang 6,000 na imbitasyon bawat 12 oras. Kasama rin sa aming mga lumang ipinaskil na balita ang mga nakakatuwang istatistika tungkol sa kung ano ang hitsura ng user base at mga katha sa AO3 noong 2009, na maaari mong ikumpara sa paskil ng istatistika na kamakailan naming ibinahagi noong Enero upang makita kung gaano na kalayo ang aming narating.

Ano ang Nagbago Mula Noon

Mula noong 2009, ang AO3 ay lumago at nagbago nang malaki. Marami kaming naipakilalang mga tampok sa mga nakalipas na taon sa pamamagitan ng pagsisikap ng aming mga boluntaryo at mga kontribyutor na coder, pati na rin ang mga contractor na aming inupahan salamat sa mapagbigay na mga donasyon mula sa aming mga tagagamit Habang maraming mga karagdagang tampok ang aming ipinagmamalaki, ang ilan sa aming mga paborito ay kasama ang:

Sa pagtingin sa kung nasaan na tayo ngayong 2026, kamakailan naming ipinagdiwang ang 10 milyong rehistradong tagagamit at 17 milyong hangang-katha! Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga tagahanga na kasama namin mula noon at hanggang ngayon—ang lahat ng aming mga nagawa ay dahil sa inyo!

Kabilang sa mga kamakailang pagpapabuti na aming ginawa ay ang pagdaragdag ng mga bagong opsyon sa pagsala ng palatandaan at koleksyon at pagbago ng lahat ng mga buton sa ibaba ng mga form para sa pagpaskil, pag-preview, o pagbago ng isang katha upang mas madaling gamitin ang mga ito.

Ano ang Susunod para sa AO3 at Paano Ka Makakatulong

Dahil matagal nang tumatakbo nang maayos software ng AO3, ang hitsura lamang ang nagbago at hindi nito ipinahihiwatig na ito'y katapusan o ganap na ang pagpapatakbo ng lahat ng sistema. Ang paglabas sa beta ay hindi nangangahulugang kami'y titigil sa patuloy na pagbubuti ng AO3—ang aming mga boluntaryong coder at mga kontribyutor mula sa komunidad ay patuloy na nagtatrabaho upang magdagdag sa at pagbutihin ang AO3 araw-araw. Kabilang dito, maaaring makita mo pa rin na may mga bahagi ng site na nasa "beta" habang binabago namin ang lahat ng aming mga kasulatan.

Kung nais mong makita kung anong mga isyu ang pinagtatrabahuhan, tingnan ang aming Proyekto sa Jira. Ito ay isang pampublikong listahan ng lahat ng mga bug at tampok na nasa talaan ng mga gagawin ng aming mga coder.

Kung alam mo paano mag-code at nais mong mag-ambag ng iyong oras, tumatanggap kami ng mga kontribusyon mula sa sinuman! Tingnan ang aming Mga Patnubay sa Pag-aambag at iba pang dokumentasyon sa GitHub. Lahat ng mga kontribyutor ay linilista sa aming mga release notes.

Kung interesado kang tumulong sa AO3 ngunit wala kang kakayahang mag-code, isaalang-alang ang pagboboluntaryo para sa isa sa mga ibang komite na pinagtatrabahuan ang AO3 o pag-aambag sa AO3 sa pamamagitan ng ibang paraan.

Kung mayroon kang kahilingan sa tampok o bug na iuulat, mangyaring makipag-ugnayan sa AO3 Tulong.Ang Tulong ay nangangasiwa ng komunikasyon sa pagitan ng mga tagagamit at ng iba't ibang komiteng nasasangkot sa AO3. Ang komite ng Tulong ay ang tumataguyod sa paglutas ng mga teknikal na problema na nararanasan ng mga tagagamit at nagbabahagi ng puna ng mga tagagamit sa mga kaugnay na komite.

Pabilog na badge na may mga salitang 'Nandito ako noong beta' na may sagisag ng AO3

Para sa lahat ng mga tagahanga na bahagi ng aming beta mula 2009 hanggang ngayon, narito ang isang badge na maaaring ipaskil kahit saan ninyo gusto, bilang isang maliit na pasasalamat para sa inyong suporta! Maaari ninyo itong ipaskil sa social media, sa inyong AO3 profile, o anumang iba pang website na inyong nais. Halimbawa, kung nais ninyong ipakita ang badge sa inyong AO3 profile, idagdag ang linyang HTML na ito <img src="https://media.archiveofourown.org/news/ao3-updates/2026-04-leaving-beta/badge-filipino.png">sa bahaging "About Me" sa inyong profile. Kung nais ninyo ng karagdagang impormasyon kung paano mag-embed ng mga larawan, sumangguni sa aming FAQ sa Pagpaskil at Pagbabago o ang aming gabay sa paano i-format ang HTML sa AO3!

Malugod kaming nagpapasalamat sa lahat ng suporta na aming natanggap mula sa mga taganhanga mula nang kami'y itininatag, kaya kami na ang unang magbabati sa inyo: Maligayang pagdating sa AO3 Pagkatapos ng Beta!


Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.